Zalameda bagong SC Chief Justice!
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Supreme Court Associate Justice Rodil Zalameda bilang ika-28 Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano.
Papalitan ni Zalameda, 63, si Chief Justice Alexander Gesmundo, na nagretiro na matapos maabot ang mandatory retirement age na 70.
Pinuri ni Cayetano ang mahigit tatlong dekadang paglilingkod ni Zalameda sa hudikatura.
“His experience across the different levels of our judicial system gives him a comprehensive understanding of the courts and the people they serve,” ayon pa kay Cayetano.
Sinabi rin niya na kinilala ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng isang lider na may sapat na karanasan at matatag na paninindigan upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa hudikatura.
Ipinahayag din ng Pangulo ang kanyang kumpiyansa na magagampanan ni Zalameda ang tungkulin bilang Chief Justice nang may integridad, pagiging patas, at matatag na pagsunod sa batas.
- Latest





















