Sedula, barangay cert ‘di na tatanggapin sa voter registration
MANILA, Philippines — Hindi na umano tinatanggap ng Commission on Elections (Comelec) ang barangay certificate at sedula bilang proof of identity para sa voter registration.
Ito ang ipinaalala ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia kahapon, kasunod na rin nang nalalapit na muling pagbubukas ng rehistruhan para sa 2028 National and Local Elections (NLE) sa Nobyembre 10 hanggang Hulyo 30, 2027.
“Wag po kayong magdadala ng barangay certification o sedula (sa pagpaparehistro). ‘Yan po ay ipinagbabawal namin,” paalala pa ni Garcia.
Maaari naman aniyang gumamit na lamang ng iba pang balidong identification documents sa pagpaparehistro.
“Sana po ay magdala tayo ng isang government-issued ID. Puwede pong student ID. Puwede nga pong library card. Puwede po ang police clearance, NBI clearance, pwede rin po ang senior citizen’s ID at iba pang ID. Basta ‘wag lang pong sedula o barangay certification,” dagdag pa ni Garcia.
- Latest

















