^

Bansa

Inflation sumipa sa 7.8% noong Oktubre - PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumaas sa 7.8% ang inflation rate ng bansa noong Oktubre mula sa 7.2% noong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ikalawang sunod na buwan na itong pagtaas ng inflation, na pangunahing dulot ng mas mataas na gastos sa transportasyon, gatong at mga serbisyo. Umabot naman sa 5.6% ang year-to-date average inflation, mas mataas sa target ng pamahalaang 2% hanggang 4%.

Ayon sa PSA, pina-kamalaking ambag sa pagtaas ng inflation ang transportasyon, na may 62.9% bahagi sa kabuuang pagtaas, dahil sa mas mahal na pasahe sa jeepney at bus, at pagtaas ng presyo ng gasolina.

Naitala rin ang mas mabilis na pagtaas sa Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels, na umakyat sa 9.3% mula sa 8.4%.

Samantala, bahagyang bumagal ang food inflation sa 6.4% mula sa 6.8%, bunsod ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ng isda at gulay. Gayunman, patuloy na tumaas ang presyo ng bigas (20.7%), mais, harina at iba pang produktong pagkain.

Nanatili ang bigas bilang pangunahing nagtutulak sa inflation, habang kabilang sa may pinakamalalaking pagtaas ang transportasyon at enerhiya.

INFLATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with