^

Bansa

CPP-NPA-NDF network sa US sinisiyasat ng FBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang ulat na iniimbestigahan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang posibleng ugnayan ng ilang Filipino-American at organisasyon sa Estados Unidos sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Kasunod ito ng pahayag ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na ilang beses umanong kinontak ng mga tauhan ng FBI at Embahada ng Estados Unidos sa Maynila ang pamilya ni Gabe Pasion kaugnay ng kapatid nitong si Cristina, na inaresto sa Laguna noong Hulyo.

Ayon kay NTF-ELCAC spokesperson Liza Fidelis Cañada, maaaring imbestigahan ng mga awtoridad ng Amerika ang sinumang nagbibigay ng materyal na suporta sa CPP-NPA, na itinalaga ng Estados Unidos bilang Foreign Terrorist Organization noong 2002.

Gayunman, sinabi niyang dapat nakabatay sa ebidensiya ang anumang imbestigasyon at igalang ang karapatan sa malayang pagpapahayag at ­mapayapang pagkilos.

Hinimok din ni Cañada ang mas mahigpit na koordinasyon ng mga awtoridad ng Pilipinas at Estados Unidos upang matukoy ang mga posibleng network na nangangalap ng kasapi, pondo at iba pang suporta para sa armadong kilusan.

 

 

FBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with