ICC Prosecutors binanggit pagpatay kina Kian delos Santos at Parojinog
MANILA, Philippines — Hiniling ng International Criminal Court (ICC) prosecutors na tanggapin bilang karagdagang ebidensya ang mga naunang testimonya sa ilang kaso ng pagpatay upang kontrahin ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) na kumilos lamang ang mga pulis bilang depensa sa sarili sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.
Sa ika-10 aplikasyon nito sa ilalim ng Rule 68(3), hiniling ng Office of the Prosecutor sa Trial Chamber III na tanggapin ang mga naitalang testimonya ng mga saksi na kinilalang P-0025 at P-1382.
Ayon sa prosecutors, nagbibigay ang mga testimonya ng mahahalagang detalye tungkol sa lawak at mga pangyayari sa likod ng mga pagpatay sa panahon ng war on drugs.
Bilang bahagi ng kanilang argumento, binanggit ng ICC prosecutors ang pagpatay kina Kian delos Santos noong Agosto 2017 at Reynaldo Parojinog Sr. noong Hulyo 2017, gayundin ang iba pang insidente sa Bulacan at Quezon City.
Giit ng prosecutors, ipinakikita ng mga testimonya na taliwas sa pahayag ng PNP na ang mga pagpatay ay naganap dahil lamang sa self-defense.
- Latest

















