PANOORIN: Assistant umano ni Romualdez sa selda, lumabag kaya sa protocol?
MANILA, Philippines — Nais imbestigahan ng Malacañang ang ulat na may personal na staff na pinapayagang manatili sa loob ng selda ni dating House Speaker Martin Romualdez sa New Quezon City Jail nang 24 oras bawat araw.
Sa pagdinig sa Sandiganbayan, inamin ni jail warden Supt. Maria Lourdes Pacion na pinayagan niya ang ganitong kaayusan upang matulungan si Romualdez sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ayon kay Pacion, batay sa kanyang pagsusuri, hindi pa umano matatag ang kalagayang pangkaisipan ni Romualdez.
Sinabi naman ni Palace Press Officer Claire Castro na inaalam pa ng Malacañang kung may nilabag na mga patakaran o protocol sa pagbibigay ng ganitong pribilehiyo.
Binigyang-diin ni Castro na hindi dapat maging karaniwang kalakaran ang pagbibigay ng espesyal na pagtrato sa mga bilanggo.
- Latest



















