^

Bansa

3 Pinoy seamen hinostage sa Oman

-

MANILA, Philippines – Tatlong tripulanteng Pinoy ang kabilang sa mga sakay ng isang New Zealand flagged vessel na na-hijacked ng mga hinihinalang Somali pirates na nag-o-operate sa karagatang sakop ng Oman.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagkakabihag sa tatlong Pinoy na hindi muna pinangalanan noong Hunyo 13.

Bunsod ng bagong pagdukot, umabot na ngayon sa 47 ang bilang ng mga Pinoy seafarers na hawak ng mga pirata sa Somalia.

Ayon sa DFA, naipabatid na ng local manning agency ng barko sa pamilya ng mga Pinoy ang kanilang sinapit.

Masusi na rin umano silang nakikipag-ugnayan sa kanilang principal sa New Zealand para sa pagpa­pasilidad ng agaran at ligtas na paglaya ng mga tripulante. (Ellen Fernando/Mer Layson)


vuukle comment

AYON

BUNSOD

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

HUNYO

KINUMPIRMA

MASUSI

MER LAYSON

NEW ZEALAND

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with