COC sa South China Sea nais din ng China – Marcos
MANILA, Philippines — Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais din ng China na agad na maisapinal ang Code of Conduct (COC) sa South China Sea, tulad ng hangarin ng iba pang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ayon sa Pangulo, positibong senyales ang ipinapakita ng China sa nagpapatuloy na negosasyon para sa COC kaya’t nakahihikayat ito sa mga kasaping bansa ng ASEAN.
“Everyone is supportive of it, everyone is enthusiastic of it. For that matter, all sides. All the ASEAN leadership would like a COC,” ani Marcos.
Sinabi rin ng Pangulo na nakaatang na ngayon sa Singapore, bilang susunod na ASEAN chair, ang paggiya sa proseso tungo sa pinal na kasunduan.
“The ball of course is now in Singapore’s court. But everyone, all the shareholders in this matter have recognized the progress that we made during ASEAN in the Philippines,” dagdag ni Marcos.
Una nang sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro na nasa 80 porsiyento na ang natatapos sa negosasyon para sa Code of Conduct sa South China Sea.
- Latest
















