^

Bansa

Katrina hindi nagpa-drug test

-

MANILA, Philippines - Nabigo ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maisalang sa drug test ang kontrobersyal na actress na si Katrina Halili ma­tapos na tumanggi ito sa nasabing pagsusuri ka­hapon.

Ayon kay Atty. Ray­mund Palad, abogado ni Halili, hi­niling umano ng ak­tress na isailalim siya sa pag­susuri sa Lunes o Martes at hindi kahapon dahil may naka­sa­lang pa umanong appointment ito.

Ganap na ala 1:30 ng hapon ng dumating si Halili kasama ang abogado sa tanggapan ng PDEA par­tikular sa tanggapan ni Director General Dionisio Santiago bago isinagawa ang close door meeting.

Ang imbitasyon ay bu­nga ng isyu ng sex video kung saan nabanggit sa Senate hearing ni Dr. Hay­den Kho na ginawa nila ito na may halong paggamit ng droga.

Bukod dito, tutukuyin din ng PDEA kung sino ang uma­no’y supplier ng iligal na droga kina Halili at Hay­den matapos itong mabul­gar sa nasabing pagdinig kamaka­lawa ng hapon kung saan ta­hasan sinabi ng huli na mayroong ma­ laking tao sa industriya ang nasa likod ng umano’y pagsusuplay ng ecstasy sa mga artista.

Ayon naman kay Derrick Carreon, tagapagsalita ng PDEA, maaring hilingin umano ni Halili na isailalim siya sa special drug test sa pamamagitan ng gascrma­tograph spectrometer, isang makabagong device na maaring maka-detect ng presensya ng droga sa pamamagitan ng follicles ng buhok kahit isang taon pa ang lumipas kumpara sa pagsusuri sa dugo at ihi.

Sa nasabing kaga­mi­tan ay maari din uma­nong ma­kuha ang resulta ng drug test sa loob ng 24 oras.

Magkagayunman, ayon pa kay Carreon, sa hindi pagpapa-drug test kaha­pon ni Halili, hindi na­man nila umano ito ma­aring ma­pilit kung ayaw niyang ga­win ang nasa­bing pro­seso.

Wala namang ipina­hatid ang kampo ni Kho kung ta­tanggapin nito ang imbitas­yon ng PDEA para magpa-drug test at maim­bes­tiga­han.

Kaugnay nito, matapos ang pagkikipag-ugnayan ni Halili sa PDEA dumiretso naman ito sa Quezon City Hall of Justice partikular sa tanggapan ni fiscal Vicky Villamor para magsampa ng kasong 2 counts of libel laban sa nanay ni Hayden na si Irene Kho. (Ricky Tulipat)

AYON

DERRICK CARREON

DIRECTOR GENERAL DIONISIO SANTIAGO

DR. HAY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

HALILI

IRENE KHO

KATRINA HALILI

KHO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with