^

Bansa

Reso sa pangungutang kinuwestyon

-

MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni dating Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang kasalukuyang alkalde ng lunsod na si Aldrin San Pedro na ipaliwanag sa publiko ang mga resolusyong nagbigay dito ng kapangyarihang makipag­negosasyon sa mga bangko para makapangutang sa loob ng isa’t-kalahating taon ng panunungkulan ng huli.

Ayon kay Fresnedi, maituturing na “irregular” ang pag­papatibay ng konseho ng Muntinlupa sa naturang mga resolusyon na ang kukuning utang ay hindi naman gaga­mitin at sasabihin pang ang utang lang ng lunsod ay P894 milyon. Inihalimbawa ni Fresnedi ang Resolution No. 07-008 na nagbigay ng karapatan kay San Pedro na ma­ngutang ng P1.5 bilyon sa bangko para sa pagpapatayo ng bagong city hall ng Muntinlupa.

Pero pinuna ni Fresnedi na hindi naman nagpagawa ng bagong city hall at sa halip, ipinakumpuni lang umano ang kasalukuyang gusaling ginagamit ng pamahalaang-lunsod. (Butch Quejada)

ALDRIN SAN PEDRO

AYON

BUTCH QUEJADA

FRESNEDI

HINAMON

INIHALIMBAWA

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY MAYOR JAIME FRESNEDI

RESOLUTION NO

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with