^

Bansa

Xmas wish ng 21 OFWs tinupad ni Villar

-

Binigyang-katuparan ni Nacionalista Party President Sen. Manny Villar ang inaasam ng may 21 overseas Filipino workers (OFWs) na maka­piling ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Kapas­kuhan.

Dahil sa tulong ni Se­nator Villar, nabigyan ng tiket sa barko at eroplano at maging ang kanilang pocket money ang 21 OFWs na nanunuluyan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Center dormitory para ma­kauwi sila sa kani-kani­ yang probinsya. Dahil dito, wala na ngayong laman ang OFW dormitory.

Bukod sa pagpondo ng kanilang mga pamasa­he ay nakauwi rin ang mga manggagawa na masaya dahil sa ipinamudmod ni Villar  na regalo at pasalu­bong sa kanilang pamilya.

“Kami po ay napaka­suwerteng makasama at maasikaso ni Sen. Manny Villar ngayong nalalapit ang Pasko. Labis po ka­ming nagpapasalamat sa agarang pagtugon niya sa aming pangangaila­ngan,” pahayag ng isang OFW.

Nagsalu-salo ang mga OFW sa inihandang pag­kain at hinandugan ng mga ito si Villar ng isang birthday cake na may disen­ yong eroplano para ipaha­yag ang kanilang pasasa­lamat sa pagsusumikap nitong matulungan ang mga nagigipit na mga OFWs.

Ang mga OFW na tinu­­lungan ni Villar ay buhat sa United Arab Emirates, Syria, Saudi Arabia, Kuwait at Israel. Karamihan sa kanila ay uuwi sa Min­danao, kabilang ang isang OFW na nasiraan ng bait kaya aalalayan ng isang nurse patungo sa Zam­boa­nga at isang ina na uuwi ng Davao kasama ng kaniyang tatlong bu­wang sanggol na lalaki.

Kabilang din ang siyam na OFW na tumira sa ila­lim ng Candara Bridge sa Jeddah sa mga nabig­yan ng tiket at allowance.

Sila ay sina Bernardo Rodriguez, Pila, Laguna; Tori­bio Silva Bautista, San Pedro, Laguna; Emilio De­­mi­qo, Bambang, Laguna; Bernardo Rescar, Cebu City; Ali Macasalong, Da­vao Oriental; Roland Lacid, Davao del Sur; Fernando Moredo, General Santos City; Armando Villanueva, General Santos City at Yoland Jaya, Cebu City.

Ang pagtulong ng senador ay bahagi ng kaniyang programang “Sagip-OFW” at OFW Helpline 09174226800. (Ellen Fernando)

ALI MACASALONG

ARMANDO VILLANUEVA

BERNARDO RESCAR

BERNARDO RODRIGUEZ

CEBU CITY

GENERAL SANTOS CITY

MANNY VILLAR

OFW

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with