^

Bansa

Jamby naghahabol sa mana?

-

Tumangging magbi­gay ng anumang ko­mento ang tanggapan ni Sen. Jamby Madrigal sa ulat na kinuku­westiyon niya ang hindi pagbibigay sa kanya ng pamana ng kan­yang tita na si Con­suelo “Chito” Madrigal-Collantes na namatay noong Marso 24 sa edad na 87.

Hindi mahagilap ng media si Madrigal at tanging isang staff la­mang nito ang nagsa­bing “no comment” ang senadora sa nasabing ulat na hindi ito naka­tanggap ng mana mula sa kanyang namatay na tita gayong nabig­yan ng mana ang kan­yang ate na si Ma. Susana Madrigal.

Kinuha umano ng senadora ang serbisyo ni Atty. Ernesto Francisco Jr. upang kuwes­tiyonin ang mga beneficiaries na nabigyan ng mana.

Maging si Francisco ay nagpahayag na “no comment” muna ang senadora na ayaw munang kumpirmahin ang paghahabol sa kayamanan.

Ayon sa ulat, hindi pa tiyak kung  anong legal ground ang gaga­mitin ng senadora  upang mapawalang bisa ang last will and testament  ng kanyang tiya.

Pero ayon din sa ulat, nai-advance na ni Doña Chito ang kan­yang mana kay Ma­drigal nang tumakbo ito sa Senado noong 2004.

Umabot umano sa P100 milyon ang binale ng senadora sa kan­yang mana. (Malou Escudero)

AYON

CHITO

ERNESTO FRANCISCO JR.

JAMBY MADRIGAL

MALOU ESCUDERO

SHY

SUSANA MADRIGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with