^

Bansa

Mga Pinoy sa Saudi pinag-iingat

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mga Pinoy sa Saudi pinag-iingat
Saudi Arabia as seen on Google Maps.
Google Maps / Philstar.com screenshot

Sa tumitinding tensyon sa Middle East

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Riyadh at Philippine Consulate General sa Jeddah ang mga Pilipino sa Saudi Arabia dahil sa tumitinding tensyon ng nasabing bansa sa mga rebeldeng Houthi na kaalyado ng Iran.

Sa advisory na inilabas, pinayuhan ang mga Pinoy na manatiling alerto, umiwas sa mga lugar na may posibleng panganib at manatili sa loob ng bahay kung may inilalabas na security alert.

Pinapayuhan din silang sumunod sa mga direktiba ng Saudi Civil Defense at iba pang awtoridad kaugnay ng kaligtasan at seguridad.

Pinaigting ng mga Houthi ang kanilang mga pag-atake laban sa Saudi Arabia gamit ang mga missile at drone. Hindi bababa sa tatlong tao ang nasawi ngayong linggo matapos ang isang insidente kung saan ayon sa mga opisyal ng Saudi, debris mula sa na-intercept na missile ang tumama sa isang kindergarten at medical complex.

Pinayuhan din ang mga biyaherong Pilipino na direktang makipag-ugnayan sa kanilang mga airline dahil maaaring magdulot ng delay, kanselasyon o iba pang aberya sa mga biyahe ang mga kaganapang may kaugnayan sa seguridad.

Nagbabala rin ang embahada at konsulado laban sa paglapit o paghawak sa mga kahina-hinalang bagay at missile o drone debris, at hinikayat ang publiko na huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon.

Samantala, tiniyak ng dalawang tanggapan na magpapatuloy ang kanilang normal na operasyon at paghahatid ng tulong-konsular sa mga Pilipino sa Saudi Arabia.

SAUDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with