^

Bansa

DOJ: Obstruction of Justice vs Robin gumugulong na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DOJ: Obstruction of Justice vs Robin gumugulong na
Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, nakatakda ang susunod na pagdinig sa Nobyembre 6, 2026.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nagsagawa ito noong Oktubre 9 ng preliminary investigation sa reklamong obstruction of justice na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Senador Robin Padilla kaugnay ng umano’y pagtulong kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, nakatakda ang susunod na pagdinig sa Nobyembre 6, 2026.

Noong Setyembre 25, personal na dumalo si Padilla sa paunang pagdinig ngunit hindi pa nakapagsumite ng kanyang counter-affidavit.

Nagsampa ng reklamo ang PNP-CIDG noong Mayo 28, 2026 matapos ang insidente noong Mayo 14, kung saan inakusahan si Padilla na tinulungan umano si Dela Rosa na makalabas ng Senado upang makaiwas sa arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).

Mariin namang itinanggi ni Padilla ang paratang. Aniya, hindi niya tinulungang tumakas si Dela Rosa at nakisabay lamang umano ito sa kanyang sasakyan palabas ng gusali ng Senado.

DEPARTMENT OF JUSTICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with