^

Bansa

Malacañang kay Respicio: Patunayan alegasyon ng korapsyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Malacañang kay Respicio: Patunayan alegasyon ng korapsyon
Malacañang Palace, the official residence of the president of the Philippines, as seen from the Pasig River.
Gov.ph

MANILA, Philippines — Hinamon ng Malacañang si Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio na magharap ng ebidensya kaugnay ng kanyang alegasyon na ginagamit sa mga “ghost project” ang bahagi ng pondong mula sa excise tax sa tabako.

Ayon kay Palace Communications Officer Claire Castro, dapat mapatunayan ni Respicio ang kanyang mga paratang at gamitin ang mga legal na proseso upang panagutin ang mga umano’y sangkot sa iregularidad.

Sinabi ni Castro na kung may sapat na ebidensya ang bise alkalde, maaari niya itong isumite sa Office of the Ombudsman o sa Department of Justice (DOJ) para sa kaukulang kaso.

Nag-ugat ang isyu matapos makipagtalo si Respicio sa ilang barangay captain sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan at akusahan ang isang opisyal ng umano’y pagbulsa ng pondo.

Iginiit naman ni Respicio na wala siyang pagsisisi sa kanyang ginawa dahil nabigyang-pansin nito ang umano’y mga iregularidad sa paggamit ng pondo mula sa tobacco excise tax.

Binigyang-diin ni Castro na maaaring tugunan ang mga alegasyon ng korapsyon sa maayos na paraan nang hindi kinakailangang magmura, sumigaw o magbitiw ng banta laban sa sinuman.

MALACAñANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with