^

Bansa

VP Sara, Mans gumastos ng P600K sa Nike stores

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
VP Sara, Mans gumastos ng P600K sa Nike stores
Composite image shows Vice President Sara Duterte as seen in June 2026 and her husband, Mans Carpio, in April 2026.
Duterte office; The STAR / Miguel de Guzman; Philstar.com composite

MANILA, Philippines — Inihayag ng isang beteranong forensic financial analyst na iniharap sa impeachment trial na tila tinodo nina Vice President Sara Duterte at ang kanyang asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio ang paggamit ng kanilang credit card dahil lumilitaw na mahigit kalahating milyon agad ang kanilang ginastos sa dalawang magkahiwalay na pagpunta lamang sa Nike stores sa Davao City at sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ang isa sa mga pinunang “unusual or questionable banking behavior” ng beteranong forensic financial analyst na si Atty. Alexander Cabrera sa kanyang ginawang pagsilip sa mga financial documents ng mag-asawang Duterte at Carpio.

Sa kanyang pagtestigo sa Senate impeachment court, sinabi ni Cabrera na may record sina Duterte at Carpio na ginamit nila ang kanilang credit card sa Nike Pavilion sa Kuala Lumpur para sa isang shopping spree na nagkakahalaga ng tumataginting na P256,882.50.

Napuna rin ni ­Cabrera na tila namakyaw rin sina Duterte at Carpio mula sa Nike SM Davao dahil may record na ginamit ng mag-asawa ang kanilang credit card para sa dalawang transaction na nagkakahalagang P300,000 sa iisang araw lamang.

Bukod sa sapatos, nasilip din ni Cabrera na sa isang upuan lang sa Ginza Inakaya, isang restaurant sa Tokyo, Japan, ginamit ng mag-asawa ang kanilang credit card para ipambayad sa kanilang bill na nagkakahalagang P205,000.

Iprinisinta ng prosekusyon si Cabrera para masuportahan nito ang alegasyon laban kay Duterte na mayroon ­siyang undeclared assets at unexplained wealth simula noong naupo siya bilang Bise Presidente noong 2022.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with