^

Bansa

ICC pinayagan 7 dagdag na drug war incidents vs Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
ICC pinayagan 7 dagdag na drug war incidents vs Duterte
Former Philippine President Rodrigo Duterte appears at the International Criminal Court (ICC) in The Hague on September 16, 2026, during a preparatory session as he faces charges over his “war on drugs,” which killed thousands.
AFP / Pool / Piroschka Van De Wouw

MANILA, Philippines — Pinayagan ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ng mga prosecutor na isama ang pitong karagdagang insidente sa kasong crimes against huma­nity laban kay ­dating ­Pangulong Rodrigo Duterte, habang ibinasura ang isa dahil hindi ito saklaw ng itinakdang panahon ng kaso.

Sa desisyon ng ICC Trial Chamber III noong Oktubre 9, tinanggihan din ang kahilingan ng depensa na obligahin ang prosekusyon na gawing kumpleto ang listahan ng mga pagpatay na nakapaloob sa kaso.

Dahil dito, umabot na sa 56 ang kabuuang bilang ng mga insidenteng kabilang sa kaso. Ang naunang 49 insidente na kinumpirma noong Abril ay sumasaklaw sa 76 pagpatay at dalawang tangkang pagpatay.

Ayon sa depensa, hindi malinaw kung ­aling mga partikular na i­nsidente ang ­kailangang sagutin ni Duterte dahil itinuturing lamang ng mga prosecutor na ­halimbawa ang mga nakalistang kaso.

Tatlong bilang ng murder bilang crimes against humanity ang kinakaharap ni Duterte. Saklaw ng unang bilang ang mga pagpatay sa Davao City mula 2013 hanggang Hunyo 2016; ang ikalawa ay mga umano’y pagpatay sa mga “high-value targets” mula Hulyo 2016 hanggang Hulyo 2017; at ang ikatlo ay mga pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa droga sa ilalim ng Oplan Tokhang mula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 2018.

Ayon sa police records, mahigit 6,000 katao ang nasawi sa drug war, ngunit tinatayang aabot sa 30,000 ang kabuuang bilang ng mga napatay, kabilang ang mga umano’y biktima ng vigilante killings.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with