^

Bansa

Mikey kay JDV: ‘Wag magtago sa saya ni PGMA

- Nina Butch Quejada At Rudy Andal -

Tahasang kinantiya­wan kahapon ni Rep. Mikey Arroyo si House Speaker Jose de Venecia na nag­ kukubli sa palda ni Pre­sidente Arroyo para ma­isalba ang sarili sa nami­mingit na pagpapalit sa liderato ng Kamara.

“Huwag siyang mag­tago sa palda ng aking ina,” ang tahasang sinabi ng batang Kongresista.

Pinabulaanan rin ni Mikey ang pahayag ni de Venecia na umano’y ti­nawagan siya ni Pangu­long Arroyo, gayundin ang kapatid niyang si Rep. Datu Arroyo, para patigilin sa pagbatikos kay de Venecia. 

“Nasa Pampanga po ako kagabi. Hindi po ako tinawagan.  I don’t know why the Speaker is hiding under PGMA’s skirt,” wika ni Mikey. 

Hindi rin naniniwala si Mikey na sinusuportahan ni PGMA si de Venecia dahil aniya’y may hands-off policy ang Pangulo sa Kongreso. 

“Hindi lang ako ang kasama sa group na iyan. Marami diyan,” ani Mikey sa mga nagnanais na mapalitan si de Venecia ni Deputy Speaker Pros­pero Nograles. 

“I said that I will join whatever the majority decides. I am just one vote.” 

“Marami siyang dapat sagutin, tulad ng ginawa niya sa pamilya ko (He has a lot to answer for, like what he did to my family).”   

Binalewala rin ni Rep. Mikey ang pagmama­yabang umano ni de Ve­necia na tinawagan daw siya ni Pangulong Arroyo para manatili sa puwesto bilang Speaker. 

Ayon dito, naaalala niya ngayon ang kanyang ina at humihingi ng ‘blessing’ para hindi siya ma­patalsik pero hindi umano naisip ni de Venecia ng banatan nito ang pamilya Arroyo at isangkot ang kanyang ina at si First Gentleman Mike Arroyo sa ZTE broadband scam noon magkaroon ng im­bestigasyon sa Senado.

Ayon pa sa kongre­sista, mismong si de Vene­cia pa ang nagbigay ng papuri kay Joey ng mag­salita ito sa Senado hinggil sa nasabing scam.

“Kung totong hawak niya ang mayorya ng mga kongresista sa Kamara dapat hindi na niya gina­gamit ang aking ina para ipagyabang na kakampi niya ito,” ani Rep. Mikey.

Sinabi ni Rep. Mikey, ang disloyalty ni de Ve­necia sa Pangulo ang naging dahilan para ma­walan ng gana at iwanan siya ng mga sarili niyang kaalyado sa Kongreso.

Bukod dito, wika pa ni Mikey, maraming dapat ipaliwanag si de Venecia sa kanyang pamumuno sa Kamara tulad ng kawalan ng transparency sa pag­papalabas ng pondo, ang napakong pangako nitong reporma sa Kamara at pagpayag nitong sumaw­saw sa government transactions ang kanyang anak na si Joey.

Aniya, anuman ang ma­ging desisyon ng Kampi sa darating na Lunes ay susundin naman niya su­balit sa kasalu­kuyan ay hindi pa rin nagbabago ang kanyang posisyon na su­portahan ang pagpapa­tal­sik kay JDV bilang lider ng Maba­bang Kapulu­ngan.

Naniniwala rin si Mikey na hindi na dapat maki­alam ang Pangulo sa internal affairs ng Kamara at ang ginawang pagpupu­long kamalawa ng gabi nina Mrs. Arroyo at JDV ay inis­yatiba lamang ni Speaker de Venecia.

Nilinaw naman ni Executive Secretary Eduar­do Ermita na hindi si Pa­ngulong Arroyo ang nag­patawag kay de Venecia kamakalawa ng gabi kundi nagtungo si JDV sa Pa­lasyo upang alamin kung su­ portado pa siya ng Pa­ngulo sa speake­rship.

Ayon kay Sec. Ermita, ipinabatid ng chief executive ang kanyang pagsu­porta kay de Venecia bilang lider ng Kamara upang hindi na mabalam ang political stability ng bansa at pag-unlad ng ekonomiya.

KAMARA

MIKEY

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with