^

Bansa

Pinoy nurse absuwelto sa rape ng pasyente sa UK

-

Inabsuwelto ng korte ang isang Pinoy nurse kaugnay ng kasong rape na isinampa sa kanya ng isang 16-anyos na pasyente sa Oxfordshire, England.

Sa ulat na tinanggap kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA), pinawalang-sala si Oliver Balicao, 34, ng Bicester, Oxfordshire sa United Kingdom matapos mapatunayang walang naganap na panggagahasa.

Nauna nang inamin ni Balicao na nakipag-sex siya sa dalagita pero itinanggi na pinilit niya ito.

Ang insidente ay naganap sa toilet ng John Radcliffe Hospital sa Oxford nitong nakalipas na Marso 12 matapos umanong kunan ng nasabing nurse ng urine sample ang dalagita.

Isinalaysay ni Balicao na ang nasabing biktima pa umano ang yumapos sa kanya at sinimulan siyang paghahalikan bago niyayang mag-sex sila sa toilet na labis umano niyang pinagsisisihan matapos niya itong paunlakan. 

Nabatid na umabot ng pitong oras bago nakapagde­sisyon ang mga hurado ng Oxford Crown Court na pawalang-sala si Balicao.

Si Balicao na may dalawang anak ay dumating sa Oxford noong 2001 at nakakuha ng British citizenship nitong nakalipas na taon. (Joy Cantos)

vuukle comment

BALICAO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JOHN RADCLIFFE HOSPITAL

JOY CANTOS

OLIVER BALICAO

OXFORD CROWN COURT

OXFORDSHIRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with