^

Bansa

Nakainom at lasing na pasahero di dapat pasakayin sa PUVs — SC

-

Posibleng maipagba­wal na rin ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan ng mga naka­inom o lasing na pasa­hero.

Ito ay matapos na ire­komenda ng Supreme Court (SC) sa Malaca­ñang na ipag-utos ang pagpa­pa­sa ng batas na nagba­bawal sa lahat ng lasing na pasahero na suma­kay sa mga public vehicle.

Ang naturang reko­men­dasyon ay bunsod sa desisyon ng SC 3rd Division sa panulat ni Associate Justice Ruben Reyes kung saan pinag­tibay nito ang hatol na habambuhay na pagka­ka­kulong sa isang aku­sado sa murder na dahil sa sobrang kalasingan ay nakapatay ng kapwa pasahero sa dyip.

Base sa record ng korte noong Nob. 15, 1998, su­makay na lasing na lasing si Conrado Glino sa isang pampasa­herong jeep kung saan nakasa­kay din ang mag-asa­wang Virginia at Domi­ngo Boji.

Nagalit si Glino kay Boji nang pagsabihan siya nito na umayos ng pagkakaupo, dahil nasa­sandalan na nito ang kan­yang asawang si Virginia.

Dahilan dito kaya na­inis si Glino sa ginawang paninita sa kanya kaya bago ito bumaba ng dyip ay paulit-ulit nitong si­naksak si Domingo sa dibdib na kaagad ikina­sawi ng biktima.

Iginiit ni Justice Re­-yes na hindi sapat na ang pag­mamaneho lamang ng lasing ang ipagbawal kundi maging ang mga pasaherong nakainom ay hindi rin dapat paya­gang sumakay sa mga pampublikong sasakyan upang maiwasan nang maulit ang naturang in­sidente.

Malinaw umano na ang pasaherong lasing o nasa impluwensiya ng alak o droga ay may dalang panganib sa iba pang pasahero. (Gemma Amargo-Garcia)

ASSOCIATE JUSTICE RUBEN REYES

BOJI

CONRADO GLINO

GEMMA AMARGO-GARCIA

GLINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with