^

Bansa

Transport leader inilibing, hustisya hingi ng Socdems, Makati drivers

-
Inihatid kahapon ng kanyang mga kapwa driver at kasamahan sa grupong Aksyon Sambayanan si Ambrocio Paler, Jr. ang transport leader na inambus noong nakaraang linggo sa Pasay City.

Daan-daang miyembro ng Aksa at transport group ang sumama sa pagdadala sa huling hantungan kay Paler sa Sarhento Mariano cemetery sa Pinagbarilan, Pasay City. Si Paler ang pangulo ng  Samahan ng mga Operator-Drivers ng Jeepney Biyaheng Evangelista Libertad Inc. (SODJEBEL). Siya din ang transport leader ng grupong  Aksa sa Makati City.

Matatandaan na si Paler ay binaril at napatay noong Aug. 22 habang pumapasada. Naniniwala ang Sodjebel members na ang pagpatay kay Paler ay resulta ng kanilang matinding kampanya laban sa mga kolorum na jeepney drivers.

Iginiit ng Aksa na ang kanilang ginawang martsa ay bilang tanda ng kanilang paghingi ng hustisya sa pagkamatay ni Paler na hanggang sa ngayon ay hindi pa natutukoy ang taong nasa likod ng pagpatay dito

Ayon kay Timoteo Aranjuez, AkSa chair at President of Congress of Labor Organizations, ang pagpatay kay Paler ay senyales na hindi lamang ang mga extreme activists ang biktima ng extra judicial killings.

Lumilitaw din na ang ilang miyembro ng Sodjebel ay nakararanas din ng pananakot ng mga communist guerillas. Aniya ang pumatay kay Paler ay handang pumatay ng walang dahilan at pangunahing kalaban ng publiko. "They are the true menace to society," ani Aranjuez

Tiniyak din ng grupo na hindi sila titigil hangga’t hindi nalulutas ng kapulisan ang pagmamaslang kay Paler.

AKSA

AKSYON SAMBAYANAN

AMBROCIO PALER

JEEPNEY BIYAHENG EVANGELISTA LIBERTAD INC

MAKATI CITY

PALER

PASAY CITY

PRESIDENT OF CONGRESS OF LABOR ORGANIZATIONS

SARHENTO MARIANO

SI PALER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with