^

Bansa

20 Pinoy hostage sa Somalia, pinalaya na

-
Pinalaya ng mga pirata sa Somalia ang may 20 Pinoy workers matapos ang mahigit apat na buwang pagkaka-hostage makaraang magbayad umano ng "ransom money" ang kanilang employer.

Sa ipinadalang ulat ni Special Envoy to Middle East Ambassador Roy Cimatu sa Department of Foreign Affairs (DFA), pinalaya ng mga pirata noong Sabado ang may 20 Pinoy seamen na dinukot sa Somalia.

Nilinaw ni Cimatu na walang ibinayad na ransom money ang pamahalaan bagkus ay nakipag-ugnayan lamang ito sa mataas na opisyal sa Somalia para mapalaya ang mga tripulante.

Hindi naman nabatid ni Cimatu kung ibinigay ng employer ng mga Pinoy seamen na Jayphill Incorporated, ang may-ari ng UAE-registered vessel na M/T Lin 1, ang hinihinging $450,000 na ransom kapalit ang paglaya ng mga tripulanteng Pinoy.

Napag-alaman na dinukot ang mga Pinoy seamen nang may 12 armadong kalalakihan habang naglalayag ang kanilang barko sa karagatang sakop ng Somalia noong Marso 29, 2006. (Ellen Fernando)

vuukle comment

CIMATU

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

JAYPHILL INCORPORATED

MARSO

MIDDLE EAST AMBASSADOR ROY CIMATU

PINOY

SPECIAL ENVOY

T LIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with