Poll fraud inamin
April 4, 2006 | 12:00am
Inamin kahapon ni Comelec Commissioner Ressureccion Borra na posibleng nagkaroon ng dayaan noong nakaraang May 2004 elections sa city, municipality at provincial level.
Dahil dito, iginiit ni Comm. Borra sa pagdinig ng senate committee on national defense kaugnay sa pagpapatuloy ng "Hello Garci" investigation na dapat muling bigyang prayoridad ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para sa modernisasyon ng halalan upang maiwasan na ang akusasyon ng dayaan sa tuwing matatapos ang eleksyon.
Sinabi ni Borra sa komite ni Sen. Rodolfo Biazon na mahalagang maisulong ang automated elections upang maiwasan na ang sinasabing dayaan tuwing mayroong eleksyon.
Wika pa nito, ang automated elections ang nakikita niyang solusyon upang matigil na ang akusasyong may nagaganap na iregularidad sa bilangan ng boto tuwing mayroong eleksyon sa bansa.
Idinagdag pa ng Comelec official, hindi itinuturing na nagkaroon ng "malawakang dayaan" sa nakaraang 2004 elections subalit aminado itong mayroong naganap na dayaan na posibleng nangyari sa provincial, municipal at city level.
Upang mawala na ang hinala sa tuwing may eleksyon na may magaganap na dayaan ay makakabuting isulong ang Comelec modernization para sa automated elections kung saan ay halos wala ng human interventions.
Naniniwala din ang independent management consultant na si Mr. Herminigildo Estrella na pinag-aralan ang naging resulta ng 2004 elections na nagkaroon ng malawakang dayaan sa Visayas at Mindanao upang masiguro ang panalo ni Pangulong Arroyo laban kay Fernando Poe Jr.
Maging ang executive director ng Philippine Green Institute na si Mr. Roberto Verzola na nag-analisa din sa resulta ng halalan ay naniniwalang nagkaroon ng dayaan dahil sa malaking pagkakaiba ng election returns ng Namfrel at election returns na pinagbasehan ng Kongreso sa kanilang canvassing. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest