^

Bansa

Pagkalkal sa ‘baho’ ng gobyerno tuloy

- Ni Rudy Andal -
Nanindigan kahapon ang Senado na itutuloy nila ang pagkalkal sa mga anomalya sa gobyerno kahit na manawagan si Pangulong Arroyo na itigil na ito at trabahuhin ang pagpapatibay ng mga panukalang-batas.

Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., hindi sila titigil sa pag-iimbestiga sa mga katiwalian sa gobyerno hangga’t may nangyayaring kababalaghan sa administrasyong Arroyo.

"Unless they stop their wrong-doing, nothing can prevent us from what we are doing," pagdidiin ni Pimentel.

Nilinaw pa nito na hindi naman ang pagkalkal lamang sa baho ng administrasyon ang kanilang inaatupag dahil inaasikaso rin ng kapulungan ang mga resolusyon o panukalang-batas na nakabinbin sa Senado.

Katunayan, nitong nagdaang linggo ay inatupag nila ang floor deliberation sa panukalang-batas na magbibigay ng proteksyon sa mga bata at menor-de-edad na nasa kulungan sa pamamagitan ng paghihiwalay sa kanila sa mga pusakal at matatandang kriminal.

Naubos din umano ang kanilang oras sa pagtalakay sa panukala upang gamitin ang Ethanol bilang alternative fuel sa motor vehicles samantalang naaprubahan na nila ang extension ng Rent Control Law.

"The truth is, while the Senate is undertaking a lot of investigations, which is part of its constitutional duties, there is no interruption in our legislative work," wika pa ng senador.

AYON

KATUNAYAN

NANINDIGAN

NAUBOS

NILINAW

PANGULONG ARROYO

RENT CONTROL LAW

SENADO

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with