Pimentel pro-Noli na
July 7, 2005 | 12:00am
Biglang nag-iba ang ihip ng hangin kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. matapos na ihayag nitong paboran si Vice-Pres. Noli de Castro na pumalit kay Pangulong Arroyo sakaling magbitiw na ito sa tungkulin.
Ayon kay Sen. Pimentel, mas nanaisin niyang si VP de Castro ang maging Pangulo sa halip na si Pangulong Arroyo ang manatiling pinuno ng bansa.
"Between unknown crook and an ex-factor, Id rather go for the ex-factor," pahayag ni Pimentel sa mga kasapi ng Rotary Club of Pasay City sa Hyatt Regency.
Ang pagkambiyo ni Pimentel ay sa gitna na rin ng paglabas ng survey ng Pulse Asia kung saan nangunguna si de Castro na nakakuha ng 30%, kasunod si dating Pang. Joseph Estrada, 19% at Sen. Panfilo Lacson, 16% sa tanong na kung sino ang kanilang pagkakatiwalaan.
Nauna ng nanawagan si Pimentel kay de Castro na magbitiw na lang sa puwesto sa paniwalang naging bahagi na rin siya ng dayaan noong nakaraang halalan.
Sa nabanggit na survey, nanguna sa talaan si Pang. Arroyo, kasunod si dating Pang. Fidel Ramos at Bro. Eddie Villanueva sa tanong ng kawalan ng kumpiyansa.
Ani Pimentel, may mga dokumento din siyang hawak na iisa ang nagsulat sa balota pabor kay Pangulong Arroyo sa mga lalawigan ng Cebu, Ilocos Sur, Bohol, Iloilo at mga bayan ng Sto. Tomas at Angeles sa lalawigan ng Pampanga. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest