^

Bansa

Tax sa text pinag-aaralan na

-
Pinag-aaralan na ng Department of Justice (DOJ) kung may legal na balakid sa panukala ng Malacañang sa pagpapatupad ng 20 sentimong buwis sa text messages.

Sinabi ni acting Justice Secretary Merceditas Gutierrez na kanya nang ipinag-utos ang masusing pag-aaral sa isyu upang madetermina kung walang lalabaging batas ang gobyerno.

Nais ni Gutierrez na makita kung dapat paboran ang pagpapatupad nito sa layuning maprotektahan ang karapatan, hindi lang sa bansa kundi ang mga mamamayan nito.

"We will study the matter because the DOJ is here not only for the government but for the greater interest of the people, "ani Gutierrez.

Sinabi ni Gutierrez na welcome na welcome sa DOJ ang anumang pormal na kahilingan para sa legal opinion na isasagawa ng kagawaran.

Magugunita na pabor si dating Justice Secretary Hernando Perez sa pagpapataw ng buwis sa text messaging dahilan sa magbibigay ito ng panibagong kita sa pamahalaan kung ipapataw ito.

Samantala, sinabi naman ng mga kontra sa "text tax" na magiging pabigat sa mga naghihirap na Pilipino ang panibagong buwis. (Ulat ni Gemma Amargo)

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

JUSTICE SECRETARY MERCEDITAS GUTIERREZ

MAGUGUNITA

MALACA

PILIPINO

PINAG

SAMANTALA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with