^

Bansa

Opisyal, miyembro ng PMAP lumipat na kay GMA

-
Muli na namang nadagdagan ang grupong nagpahayag ng suporta kay Pangulong Arroyo upang pamunuan ang bansa sa susunod pang anim na taon.

Ito’y matapos na lumipat ang mayorya ng opisyal at miyembro ng People’s Movement Against Poverty (PMAP) sa bagong tatag na Make It Strong Movement (MISM) na sumusuporta kay Arroyo.

Bagamat 23 araw na lamang ang natitira bago mag-eleksiyon, nagpakita din ng suporta kay Arroyo ang Kalipunan at Sandigan ng mga Pilipino (KASAPI) tulad ng MISM.

Lumilitaw na ang PMAP at KASAPI ay mga grupong unang sumuporta kina dating President Estrada, Fernando Poe, Jr. at Sen. Panfilo Lacson.

Sinabi ni Jojo Ablog ng KASAPI, napilitan silang lumipat sa administrasyon dahil sa nangyayaring gulo sa grupo ng oposisyon.

Bukod dito, sinabi ng KASAPI na may maliwanag na plataporma si Arroyo kumpara sa mga kalaban nito sa nalalapit na halalan.

Umaabot naman sa 500,000 ang miyembro at kaalyado ng MISM. (Lilia Tolentino)

BAGAMAT

BUKOD

FERNANDO POE

JOJO ABLOG

LILIA TOLENTINO

MAKE IT STRONG MOVEMENT

MOVEMENT AGAINST POVERTY

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

PRESIDENT ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with