^

Bansa

GMA kinampihan ni FPJ sa house arrest ni Erap

-
Magkalaban man sila sa eleksiyon, nagkaisa naman ng posisyon sina Pangulong Arroyo at Fernando Poe, Jr. ng kampihan ng huli ang una kaugnay sa special treatment na ibinigay kay dating Pangulong Estrada.

Iginiit kahapon ni FPJ na hindi na kailangang kasuhan si Pangulong Arroyo dahil sa naging pagtrato ng mga security ni Erap makaraang payagang makapunta ito sa kanyang rest house malapit sa kanyang kulungan sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.

"Palagay ko hindi na dapat palakihin pa ng iba’t ibang legal at civic groups ang makataong pagtrato ni GMA kay dating pangulong Erap," wika ni FPJ matapos itong dumalo sa paglulunsad ng Kilos para sa Bagong Umaga sa UP Bahay Alumni.

Umaasa siya na tuluyang bibigyan ng "house arrest" si Erap dahil na rin sa kanyang matinding pagdaing sa kanyang sakit sa tuhod. (Ulat ni Rudy Andal)

BAGONG UMAGA

BAHAY ALUMNI

CAMP CAPINPIN

ERAP

FERNANDO POE

IGINIIT

MAGKALABAN

PALAGAY

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with