^

Bansa

Pagsuspinde sa PPA magsasalba sa bumababang rating ni GMA

-
Nais lamang umano ni Pangulong Arroyo na isalba ang bumababa niyang rating kaya niya ipinatigil ang paniningil ng Power Purchase Adjustment o PPA.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Crispin Beltran, kung tutuusin ay hindi dapat bigyan ng credit si Pangulong Arroyo sa ginawa nitong hakbang dahil sa simula’t simula pa ay hindi naging malinaw ang stand nito sa PPA.

Bagaman at suspendido na ang PPA, iginiit ni Beltran na dapat pa ring magpatuloy ang imbestigasyon ng Kongreso sa diumano’y maling kontrata na pinasok ng pamahalaan.

Sinabi ni Beltran na posibleng may namamagitang sabwatan sa pagitan ng Malacañang at Meralco upang patayin ang isyu ng PPA at mataas na singil sa kuryente.

Dapat rin anyang magbantay ang publiko dahil hindi naman sinabi ng Malacañang kung hanggang kailan mananatili ang suspensiyon ng PPA.

Hinamon din ni Beltran ang Pangulo na gumawa ng aksiyon sa sandaling totohanin ng Meralco ang naunang banta nito na magkakaroon ng malawakang blackout kapag sinuspinde ang PPA.

Kung hindi umano gagawa ng hakbang laban sa Meralco ang Pangulo ay lalong maghihinala ang taumbayan na may kutsabahan sa pagitan ng dalawa kaugnay sa PPA. (Malou Rongalerios-Escudero)

vuukle comment

BAYAN MUNA REP

BELTRAN

CRISPIN BELTRAN

MALACA

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

MERALCO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

POWER PURCHASE ADJUSTMENT

PPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with