^

Bansa

Boobs ni Klaudia 'Kumaway' sa PPC rally

-
Kasalukuyang usap-usapan ang pangangampanya kamakailan ng mga kandidatong senador ng People Power Coalition sa Bulacan makaraang pagpiyestahan ng libu-libong tagasuporta ng PPC ang pagluwa ng dibdib ng sexy star na si Klaudia Koronel na sumusuporta sa kanyang kampanya.

Ang 13 kandidato ng PPC ay walang sawang umikot kamakalawa sa mga bayan ng Marilao, Bocaue, Balagtas, Bulacan, Malolos, Paombong, Hagonoy, Calumpit, Pulilan, Plaridel, Sta. Maria, SJDM Muzon, Sapang Palay, Norzagaray, Angat, Bustos, San Rafael, Baliwag, Plaridel, Guiguinto, at Tabang sa naturang lalawigan.

Isa sa pinagkaguluhan sa kampanya ang nakakabighaning kasuotan ni Klaudia. Kasama niya rito ang kapwa sexy star na si Ana Capri at singer na sina Tootsie Guevarra at Renz Verano.

Pero isang pilyong lolo ang sinasabing hindi nakapagpigil sa kanyang panggigigil nang tangkain niyang hubarin ang blouse ni Klaudia. Malamang na lumuwa nang husto ang dibdib ng magandang sexy star kung hindi agad nakaresponde ang ilan niyang security. Sa halip namang magalit, pilyang sinayawan ni Klaudia ang pilyong matanda bukod sa pagkanta ng ilang mahaharot na awitin.

Naging mainit dahil dito ang pagtanggap ng mga Bulakenyo sa naturang kampanya na pinangunahan nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Governor Josie dela Cruz. Kampante ang Pangulo na makukuha nila ang 13 slot sa Senado. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ANA CAPRI

BULACAN

EFREN ALCANTARA

GOVERNOR JOSIE

KLAUDIA

KLAUDIA KORONEL

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PEOPLE POWER COALITION

PLARIDEL

RENZ VERANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with