^

True Confessions

Kastilaloy (185)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘PARANG nararamdaman kong narito si Mama,’’ sabi ni Garet nang pumapasok na sila sa loob ng bahay. ‘‘Malakas ang kutob ko Gaude!’’

Hindi nagsasalita si Gaude. Hindi niya alam kung iyon ay sinabi lamang ni Garet para palakasin ang loob. Gusto lamang niyang paniwalain ang sarili na narito ang kanyang mama. Pinipilit na maging positibo sa kabila na tila mahirap mang­yari ang iniisip nitong naroon ang ina.

Nang makapasok sila sa salas, hindi makapa­niwala si Garet sa nakitang kaanyuan. Hubad na hubad ang salas. Wala na ang magaganda at ma­mahaling gamit.

Tuluyan nang napa­iyak si Garet. Nayugyog ang balikat. Masamang-masama ang loob.

“Nahubaran na pala ito ng hayup na si Geof! Wala nang tinira sa mga pinundar ni Papa! Pinag­hirapan ni Papa ang mga ‘yun!’’ Sabi nito at humagulgol na. Ibinuhos ang iyak.

Pinayapa siya ni Gaude. Tinapik-tapik sa balikat. Dama niya ang sama ng loob na nararamdaman ni Garet dahil sa nangyari sa pinundar na bahay ng kan­yang papa. Naunawaan niya ito kung bakit ganun ang reaksiyon.

Natahimik si Garet.

Hanggang sa mayroon silang marinig na kaluskos. Nagkatinginan sila. Nagpakiramdaman. Naghintay.

Narinig muli nila.

‘‘Sa palagay mo, saan galing ang kaluskos?’’ Tanong ni Gaude.

‘‘Second floor.’’

‘‘Ano kaya ‘yun? Hindi kaya daga?’’

“Tingnan natin, Gaude. Malakas ang kutob ko.’’

Nagtungo sila sa second floor. Dahan-dahang umakyat sa hagdan. Inalalayan ni Gaude si Garet sa paghakbang. Mukhang totoo na nga ang kutob ni Garet dahil patuloy nilang narinig ang kaluskos. Hindi pang­ka­raniwang kaluskos iyon na gawa ng daga o anumang insekto. Tao ang may likha niyon. Ka­sunod ng kaluskos ay ang kalabog. Parang may natabig na bagay at bu­magsak sa suwelo.

Nagmadali na si Garet sa pag-akyat at naka­wala sa pagkakahawak ni Gaude. Para bang alam na alam ni Garet ang kinaroroonan o pinangga­lingan ng kaluskos at laga­bog. Napasunod na lamang si Gaude kay Garet.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANO

DAHAN

GARET

GAUDE

GEOF

HANGGANG

MALAKAS

SHY

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with