Senglot na obrero tepok sa sunog

MANILA, Philippines — Halos natusta ang katawan ng isang 21-anyos na obrero matapos ma-trap sa loob ng nasusunog nitong tahanan sa Hacienda Navidad, Brgy. Caduha-an, Cadiz City, Negros Occidental, kamakalawa.
Kinilala ng mga otoridad ang nasawing biktima sa alyas lamang nitong “Allan”, residente ng nasabing lugar.
Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cadiz City, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang ihatid ang biktima ng mga kasamahan nito galing sa pakikipag-inuman sa Victorias City, Negros Occidental.
Bandang alas-2:00 ng madaling araw nang magsimulang tupukin ng apoy ang tahanan ng biktima nagawa lamang sa mahihinang uri ng materyales habang ang nasabing obrero ay hindi makagulapay sa kalasingan at mahimbing na natutulog.
Pinaniniwalaan namang napabayaang improvised na lampara ang pinagmulan ng sunog.
Ang sunog nai-report lamang sa tanggapan ng BFP dakong alas-7:00 ng umaga kung saan tupok na tupok na ang tahanan at natustang bangkay ang kanilang tanging inabutan.
- Latest