^

True Confessions

Hiyasmin (304)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SABI ni Tita Mary, bago pa mangyari ang trahedya kina Papa at mga magulang nito, matagal nang naihanda ang huling habilin. Ayon kay Tita, nakiusap si Papa sa kanya na hanapin ka pero hindi magawa dahil marami siyang pinagkakaabalahan. Hanggang sa magkita nga kami at maski siya ay hindi makapaniwala na ako ang anak ni Rashid. Sabi pa ni Tita Mary, kaya raw pala ganun kagaan ang loob niya sa akin dahil magkadugo kami. Unang pagkakita raw niya sa akin ay parang may lukso ng dugo.”

“Paano napatunayan na anak ka nga ni Rashid?”

“Dahil sa picture ni Papa na ipina-send ko sa’yo the other day. Nang ipakita ko ang picture, hindi makapaniwala si Tita Mary.

“Hanggang isang picture rin ang inilabas niya. Ang picture na inilabas niya ay katulad din ng picture na hawak ko. Kaya kumpirmadong anak nga ako ni Rashid. Pagkatapos ay pareho kami nagkaiyakan at nagyakapan. Inulit pa nga niya na kaya raw pala ang gaan ng loob niya sa akin ay dahil pamangkin niya ako.”

“Kailan sila pupunta rito, Hiyasmin?”

“Next year. Sure na sure daw ang pagdating nila.”

“Nasasabik na ako sa pagdating ni Maryam o Mary, Hiyasmin,” sabi ni Lira at umiyak.

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with