Hiyasmin (301)
“Ang husband mo anong pangalan?’’ tanong ni Mary Underwood.
“Dax po.”
“Kasama mo ba siya rito?”
“Hindi po Tita.”
“Nararamdaman ko na maligaya ka sa buhay may-asawa. Nakikita ko sa iyong mukha, Hiyasmin.”
“Totoo po ang sinabi mo, Tita. Napakabait po ng aking asawa. Bukod sa pagiging mabait na asawa ay napakabuti rin niyang kaibigan, Tita. Hindi ka po maniniwala pero siya ang nagpaaral sa akin sa kolehiyo. Bukod dun, pinatira niya ako sa bahay niya nang libre.”
“Talaga? Paano nangyari ‘yun? Ikuwento mo nga Hiyasmin kahit konti lang.”
Ikinuwento ni Hiyasmin ang pagpapaaral sa kanya ni Dax ganundin ang pagpapatira sa kanya sa bahay nito. Pati ang pag-iibigan nila ni Dax ay ikinuwento rin ni Hiyasmin. Sinabi rin niya na sa loob ng panahong nakatira siya sa bahay ni Dax ay hindi ito gumawa ng anumang masama sa kanya. Napakamaginoo ni Dax.
Hindi makapaniwala si Mary sa kabutihan at pagkamaginoo ni Dax. Humanga siya. Nasabi ni Mary kay Hiyasmin na meron pa palang lalaki na tulad ni Dax.
“Napakasuwerte mo pala, Hiyasmin. Siguro kung buhay ang papa mo, tuwang-tuwa siya sa kapalaran mo. At tiyaki din na tuwang-tuwa kapag nagkaroon siya ng apo.”
“Oo nga po Tita.”
“Pero ngayon ako ang masaya dahil magiging lola rin ako kapag nagka-baby ka na.”
“Opo Tita. Sana nga po, buntis na ako.”
Hanggang magpaalaman na silang dalawa.
Mahigpit na niyakap ni Hiyasmin ang tiyahin.
“Hihintayin ka namin sa Pinas, Tita.”
“Sure na darating ako, Hiyasmin.”
(Itutuloy)
- Latest