^

True Confessions

Alakdan (210)

- Ronnie Halos - The Philippine Star

 (Mula sa may-akda: Maraming salamat kay Raul A. de Leon ng 14 Camia, St. Longos, Malabon City. Isa siya sa mga regular na nagbabasa ng “Alakdan”.)

NILAGYAN ni Troy nang maraming ilaw ang pali-gid ng bahay ni Mayette. Gusto  niya maliwanag ang bahay para mawala ang lungkot. Gusto niya ay maging masaya iyon. Pati ang loob ng bahay ay dinagdagan niya ng ilaw. Kahit na magbayad siya nang mahal sa kuryente ay hindi na bale basta’t maging masaya ang bahay.

Lagi rin niyang nililinis ang salas. Siya lang ang naglilinis kapag Linggo na walang pasok sa opisina. Maaari siyang kumu­ha ng taga-linis pero de­likadong mapagnakawan lang siya. Mahirap na. Mara-ming mawawala sa bahay. Maraming alahas si Ma-yette at mga bagong damit sa aparador at cabinet. Kung kukuha siya nang ta­ galinis maaaring ito ang mag-tip sa mga akyat-bahay.

Kapag pinagmamasdan niya ang malaking oil painting ni Mayette sa salas ay nakadarama siya nang kasiyahan. Maaliwalas na maaliwalas sa salas. Siguro kung nasaan man si Mayette ay nasisiyahan ito. At kung nakikita man ni Mayette ang nangyayari sa kanyang bahay siguro ay maligayang-maligaya ito. Baka nakangiti ito habang nakikita ang maayos na bahay.

Naisip ni Troy na tama lang ang desisyon niya na huwag iwanan ang bahay. Kawawa naman kung aabandonahin. Baka nga limasin ng mga akyat bahay. At maaaring masira agad ang bahay kapag walang nakatira.

Wala namang nagpapakitang kamag-anak si Mayette o maski ang namayapang asawa nito. At si Kreamy? Kung tutuusin, si Kreamy ang may karapatan dito? Siya ang tagapagmana.

Paano nga kung biglang sumulpot si Kreamy? Ano ang sasabihin niya? Tiyak na magtataka ito kung bakit siya ang nagmi-maintain ng bahay. Aaminin ba niyang nagkaroon sila ng relasyon ni Mayette? Naalala pa niya ang sinabi ni Kreamy sa kanya noon, “Huwag mo nang dagdagan ang kasalanan ni Mama, Troy”. Hindi niya nasunod ang paalalang iyon. Kapit sa patalim na ang nangyari sa kanya. Wala na siyang magawa.

Pero bakit pa ba niya iintindihin si Kreamy? Maaaring tama ang sinabi ni Mayette na magkasama sina Kreamy at Digol ngayon. Ilang beses na niyang nahuli na nagtatalik ang dalawa.

Kung susulpot si Krea­my, aalis na siya rito. Wala na siyang ipapaliwanag pa sa sinungaling na babae.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAHAY

KREAMY

KUNG

MALABON CITY

MARAMING

MAYETTE

NIYA

RAUL A

SIYA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with