^

True Confessions

La Viuda (29)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGMAMADA­LING nag-empake si Natasha ng kanyang mga damit matapos ang ­biglaang pagdating ng mabagsik na ama na si Don Geronimo. Kahit siya ay takang-taka kung bakit dumating ito sa hacienda ng mga Valderrama nang walang pasabi samantalang ang plano niya ay magpasundo rito sa susunod na linggo kasama ang bilanggo na kamukha ni Emilio.

“Papa, bakit ka gumagawa ng eskandalo rito?” padabog at mangiyak-ngiyak na tanong ni Natasha habang hiyang-hiya sa ginagawang eksena ng ama.

Hindi na nakapagpigil si Donya Presentacion at nakialam na ito.

“Oo nga, Don Geronimo, akala ko ba ay napagkasunduan na natin na maaaring dito manirahan ang iyong unica hija hanggang sa babang luksa ni Emilio?” mahinahon na tanong ng Donya habang nakahawak sa braso nito.

Nang dumampi ang kamay ng Donya sa braso ni Don Geronimo, agad niya itong sinaling na tila nandidiri sa donya.

“Huwag mong idikit ang kamay mo sa akin, Presentacion!”

“Nakakainsulto ka na, Don Geronimo, anong gusto mong ipahiwatig sa mga sinasabi mo?!” nanggigigil na tanong ng donya.

“Ayoko ng gulo, Presentacion. Ang sa akin lang ay ayaw kong madawit ang pamilya ko, lalung-lalo na ang dalaga kong si Natasha sa mga tulad n’yo. Kung hindi mo pa alam, may usap-usapan na sa buong probinsiya ng Punta Dolores ang mga pinaggagawa mo kasama ng mangkukulam na si Teban! Kasalanan sa Diyos ang mga ginagawa n’yo rito!” sabi nito at pagkatapos ay nag-antanda.

Walang nagawa si Natasha habang pilit at marahas siyang hinawakan sa braso ng ama at pilit na kinaladkad palabas ng mansiyon. Isinakay sa sasakyan at umalis.

Ang lahat ay ­nasaksihan ni Kristina na nasa bakuran ng mga ­sandaling iyon. ­Huminga siya nang malalim, ligtas ang kanilang lihim, ngunit alam niyang kaunti na lamang ang natitirang araw bago ang ­ika-apatnapung gabi.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with