^

True Confessions

Alakdan(80)

- Ronnie M. Halos -

“Siyanga pala Kuya Troy, sinabi minsan sa akin ni Tiya Julia, ng Inay mo, na gusto pala niya ay makapagpatuloy ka ng pag-aaral. Sinabi niya iyon sa akin noong nagbabantay siya kay Tiyo Juanito habang nasa ospital. Iyon daw ang gusto niyang mangyari. Makapagtapos ka raw sana ng college para may maganda kang trabaho. Nasabi niya, sa isang grocery ka raw nagtatrabaho.’’

“Iyan naman talaga ang pangarap ko noon pa, Maricel. Hindi ko lang matupad dahil ma­liit lang ang suweldo ko bilang bagger. Kulang pa sa pamasahe at pagkain. Pero tala­gang mag-aaral ako sa kolehiyo at pipilitin kung makatapos.’’

“Nasabi lang naman niya iyon sa akin dahil nagkukuwentuhan kami tungkol sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Kasi papasok na rin ako sa kolehiyo ngayong pasukan. First year na ako, Kuya.”

“Talaga? Sige at ka­pag malaki ang sinuweldo ko, padadalhan kita ng allowance. Mag-aral kang mabuti ha? Ano naman ang course mo?’’

“BSE Kuya. Gusto kong mag-teacher.’’

“Okey yan. Bagay nga sa’yo ang teacher.’’

“Paano nga pala   itong bahay n’yo Kuya?’’

“Wala na akong ma­ga­gawa sa bahay na ito. Isa pa, hindi naman sa amin ang lupang kinatitirikan. Nakiusap lang si Itay sa may-ari ng lupa na dito kami magtayo ng bahay.’’

‘‘Kaya wala ka na pala talagang uuwian dito.’’

‘‘Oo. Yung ilang mga gamit e kunin mo na lang Maricel. Yung lahat ng mapapakinabangan ay sa’yo na. Iuwi mo sa inyo.’’

“Sige Kuya. Ingat ka na lang habang nasa Maynila. Sabi nga ni Tiya Julia, nag-aalala siya dahil marami raw hinoholdap sa Maynila.’’

“Hindi naman ako mahoholdap dahil walang hoholdapin sa akin,” sabi at tumawa si Troy.

“Sige text ka na lang Kuya sa mga nang­yayari sa’yo.’’

Umalis na si Troy.

HAPON na nang du­ mating sa Mayni­la si Troy. Tinext niya si Mayette at sinabing pauwi na siya. Hindi sana niya sasabihin kay Mayette na pauwi na siya pero nakonsensiya siya. Malaki ang utang na loob’’ niya kay Mayette kaya hindi siya dapat maglihim dito.

Nagtaka si Troy nang dumating sa tirahan. Nakabukas ang pintuan at buhay ang mga ilaw.

Nang pumasok si-ya, nakita niya sa loob si Mayette. Naka­tingin sa kanya. Nasa anyo nito ang pakikira­may.

“Huwag kang ma­lungkot, Troy. Narito naman ako…”

(Itutuloy)

KUYA

KUYA TROY

LANG

MAYETTE

NIYA

SHY

TIYA JULIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with