^

True Confessions

Hiyasmin (59)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“ALAM mo Hiyasmin, may Pinay pa sa Kuwait na pinatay at saka ini­lagay ang katawan sa ­freezer,’’ sabi ni Dax.

Nahindik si Hiyasmin.

“Totoo po Sir Dax?’’

“Pero hindi naman Kuwaiti ang gumawa ng karumal-dumal—parang ibang lahi yata.’’

“DH din po ang Pinay?’’

“Oo.’’

“Grabe pala talaga sa Kuwait.’”

“Kaya nga nagkaroon ng total ban ng OFWs sa Kuwait dahil sa pangyayari. Pero na-lift na yata ngayon.’’

“Sana itigil na ang pagpapadala ng DH sa Kuwait ano Sir Dax?’’

“Mahirap mangyari yun, Hiyasmin. Wala kasing maibigay na trabaho rito sa ating bansa kaya nagpupunta sa Kuwait at sa ibang bansa.’’

“Palagay ko Sir kulang sa abilidad ang ilang Pinoys. Puwede namang umasenso rito kung tutuusin. Bakit ang iba, successful? May nagnenegosyo at pumapatok.’’

“Sabagay tama nga.”

“At saka para mabawasan na ang mga nabubuntis na Pinay. Para hindi na madagdagan ang tulad ko.’’

Napangiti si Dax.

ISANG araw ng Sabado, may duma­ting na bisita si Dax. May tumawag mula sa labas.

“Sino kaya yun?’’ tanong ni Dax.

“Parang babae ang boses, Sir Dax!’’

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with