^

True Confessions

Hiyasmin (55)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAS maganda ay sa room mo na ikaw matulog Sir Dax para nakakatulog ka nang mahim­bing,’’ sabi ni Hiyasmin makaraang ibigay ang tableta kay Dax.

“Malamig kasi sa sopa.’’

“Sige. Sa kuwarto na ako matutulog. Para ngang na­kabaluktot ako sa sopa.’’

“Napansin ko nga po.’’

“Nasanay na kasi ako na sa sopa natutulog. Kapag nanonood ako ng TV ay na­kakatulog ako sa sopa at doon na ako magdamag.’’
Napatango na lang si Hiyasmin.

“Magpahinga ka na po. Kailangan mong magpahi­nga. Ako na ang bahala rito.’’

“Sige. Bukas magaling na ako. Wala na ang lagnat na ito.’’

“Sana nga po.’’

Tumayo si Dax makaraang inumin ang gamot. Nagtungo na sa kuwarto. Narinig ni Hiyasmin ang pagsasara ng pinto ng room nito. Sinu­nod siya ni Dax na sa room na nito ma­tulog.

Hinugasan na ni Hiyasmin ang mga plato.

 

KINABUKASAN, nagulat si Hiyasmin sapagkat gising na si Dax. Masigla na. Wala nang sakit.

“Magaling na ako, Hiyasmin.’’

“Sigurado ka po?’’

“Oo. Mahusay nga yata ang sabaw ng tinola.’’

“Sabi ko nga po sa’yo di ba?’’

“Puwede ka nang pumasok sa school.’’

“Baka hindi ka pa lubusang magaling?’’

“Magaling na. Pasok ka na!”

“Paano kung pag-alis ko ay biglang sumama ang pakiramdam mo. Konsensiya ko pa. Puwede pa naman akong mag-absent.’’

“Pero kaya ko na. Ma­gaan na ang pakiramdam ko, Hiyasmin.’’

“Bukas na lang ako papasok. Gusto ko matiyak na wala ka na ngang sakit.’’

“Sige. Mahirap namang pilitin kita.’’

“Magpahinga ka pa nang maayos Sir Dax. At siguro uminom ka pa ng gamot.”

“Okey.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with