^

True Confessions

Hiyasmin (57)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAPAPANGITI nang lihim si Dax habang naiisip ang mga nangyari mula nang tumira rito si Hiyasmin. Hindi niya akalain na ang may-ari ng ID na kanyang napulot ay magkakaroon pala nang malaking bahagi sa kanyang buhay.

Dahil sa hindi inaasahang pagtira ni Hiyasmin sa kanyang bahay, na-realized niya na masarap pala ang may ka­sama sa bahay. Mahalaga pala ang may kasama.

Kung nag-iisa siya nang magkasakit, mahirap kumilos—walang magluluto, walang mag­papa­alala na umi­nom ng gamot at higit sa lahat, mayroon siyang kausap. Mula nang tumira rito si Hiyasmin, pakiramdam niya ay lagi siyang masaya. Noong nag-iisa siya, para bang mabagal ang ikot ng mundo.

Malaki talaga ang pagbabago sa kanyang buhay mula nang makasama niya su Hi­yasmin.

Kinahapunan, alas dos pa lamang ay dumating na si Hiyasmin.

“O ba’t ang aga mo? Di ba four o five ka umuuwi?’’ tanong ni Dax.

“Wala ang prof naming kaya maaga akong nakauwi. Isa pa inaalala ko na wala kang kasama rito. Kumusta ang pakiramdam mo Sir Dax?’’

“Okey na.’’

“Ininom, mo ang gamot?”

“Oo.’’

Nagluto agad ng kanilang hapunan si Hiyasmin.

Nang kumakain na sila, nagtanong si Dax.

“Alam mo kung anong itsura ng Kuwaiti mong father?’’

“Sabi ni Mama, guwapo raw.’’

“Hindi mo naman naisip na someday gusto mo siyang makita?’’

Umiling si Hiyasmin. (Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with