Janine, magpapagawa ng pang-forever na bahay
Andaming kinilig sa birthday post ni Janine Gutierrez para sa rumored boyfriend niyang si Jericho Rosales. Magkasama sila ng actor sa trending series na Lavender Fields.
Ito ay kahit simpleng “happy birthday” lang ang pagbati niya na may dalawang photos nila na nasa Fort Santiago.
Wala pa silang inaamin officially, pero si Jericho ay very vocal sa pagsasabing masayang-masaya ang puso niya sa kasalukuyan.
Anyway, sa ngayon pala sa lupa nag-i-invest si Janine.
May nabili raw siyang lupa na plano sana niyang patayuan ng bahay, “house for myself.”
Kasalukuyan siyang nakatira sa condo.
Although, wala siyang time element kumbaga para sa nasabing ipagagawa niyang sariling bahay. “Parang hindi ko na lang po minadali. Kasi nung una parang nagmamadali ako eh pero parang hindi po kasi kaya sa sobrang busy ng schedule. So siguro ‘pag may free time na lang po dun ko na lang aasikasuhin pero ‘yun po ‘yung inaano ko ngayon...”
May dream house ba siya? “Dream house? Simple lang po. Siguro kahit apat na bedroom. Para ‘yung pang-forever na po na bahay. Bilang panganay po kasi ako, palagi ako ‘yung pinupuntahan. Kapag Pasko, or kapag New Year so siksikan kami. So, gusto ko lang ng bahay na pwede kaming lahat,” katwiran ni Janine nang makausap namin recently.
Pero may mga business ba siya? Aside from lupa, ano pang investment mo? “Meron na po akong nail salon. So far ‘yun lang (sa Ortigas po saka sa Ayala Malls),” sabi niya sa negosyong nail salon na kasosyo ang kanyang mga kaibigan. “With my friends po. Tapos frinanchise namin kasi friend din namin ‘yung pinaka owner.”
Kumikita naman sila na inumpisahan nila noong may pandemic pa.
Pero hindi ba siya maluho? “Hindi po. Wala po. Bumibili po ako (ng mga luxury brand) pero isa-isa lang. Hindi ko po talaga siya luho. Parang ang pinaka-gastos ko na kung may byahe like ito pong Venice (FIlmfest) or dati nakakapagbakasyon kaming family, so ‘yun.”
Samantala, hindi minamadali nila Janine ang docu film ng kanyang lola Pilita Corrales. Kabilang siya sa mga producer ng nasabing docu-film na mala-I Am: Celine Dion ang concept. “Iyong huling update po is nagfi-film kami ng mga snippet lang. ‘Yung huli was ‘yung birthday party ni Mamita. Meron siyang super maliit lang na birthday party. Isasama rin namin ‘yun para makilala rin ng mga tao kung sino ba talaga si Mamita behind Asia’s Queen of Song. Kung paano siya bilang nanay at lola. How she is behind the scene.”
Since bata siya uumpisahan ang nasabing docu film. “Yes. Opo. Sana po buong buhay niya. Gusto ko rin sana i-share, syempre sa ating mga Pilipino, ‘yung mga bata (na hindi na siya masyadong kilala).”
Ididirek ito ni Baby Ruth Villarama. “Siya ‘yung director ng Sunday Beauty Queen.”
Mahaba-haba raw ang proseso nito dahil kinakalkal nila lahat ng mga material. Bagama’t marami na raw talagang binaha sa bagyong Ondoy.
“Baka next year pa po. Or next next. Parang no rush. Gusto ko lang talaga na magawa ng maayos ‘yung legacy ni Mamita.”
Hindi pa nila alam kung sa mga sinehan or streaming platform ito ipalalabas tho nakapag-umpisa na nga sila last year pa.
“Yes, pero ano pa lang po filming and then I interviewed Mamita last year. Meron po kasing mga docu na talagang gusto ko like ‘yung recent ‘yung Celine Dion po, di ba? Pinakita ‘yung buhay niya, paano siya nagsimula, her life today and her struggles.
“Parang gano’n. Na parang makita yung kabuuan ng buhay niya. Kasi parang... I think pag nalaman din ng mga tao yung struggles ni Mamita and how hardworking she is and y’ung rise niya to being Asia’s Queen of Song. Sobrang nakaka-inspire kasi ‘yung kwento niya. So ‘yun din yung gusto ko sana i-share sa mga tao.”
At kasama raw sa mapapanood ang lovelife ng kanyang lola na makulay noong kabataan nito.
- Latest