^

PSN Showbiz

Kim, magpapainit sa entablado!

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa natatapos ang Hello, Love, Again fever dahil todo pa rin pagpapakilig nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa ASAP ngayong Linggo (Nobyembre 17) na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Abangan rin ang world premiere ng music video ng Someday ni Regine Velasquez na tampok rin si Piolo Pascual, maging ang special appearance ng Saving Grace stars na sina Julia Montes at Xia Grace. Mas iinit pa ang entablado dahil sa hot na hot performance ni Kim Chiu.

Tuluy-tuloy ang saya kasama ang PBB Gen 11 housemates na sina Fyang Smith at JM Ibarra na may isang pasabog na dance number kasama sina Gela Atayde at Ken San Jose. Maghanda para sa mga nakakabilib na solo performances mula kina Ely Buendia, Ogie Alcasid, at birthday celebrants na sina Angeline Quinto at Shaina Magdayao.

Hindi kumpleto ang ASAP experience kung wala ang iconic opening performance mula sa OPM legends na sina Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Angeline Quinto, na sinamahan ng pinaka-talented new gen performers na sina Maymay Entrata, Bailey May, at Darren Espanto. Itodo na ang free concert experience sa TV dahil may mga pasabog na performances pa ng vocal duo na sina JM dela Cerna at Marielle Montellano at OPM icons.

Samantala, abangan ang mga pinaka-hot na prod mula sa Rockoustic Heartthrobs na sina Kobie Brown, Kice, Blackburn, Luke Alford, Anthony Meneses, at PBB Gen 11 housemate Jarren Garcia, at Dance Sirens na sina Chie Filomeno, Anji Salvacion, at Loisa Andalio.

Abangan naman ang isang masayang karaoke session kasama ang ASAP family at ang hosts na sina Robi Domingo, Belle Mariano, Maymay Entrata, Edward Barbers, at Darren.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, ASAP, 12 nn sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Carescape ng UP, tumanggap ng collab grant sa British Council!

Ikinagagalak ng British Council na ipagkaloob ang International Collaboration Grant sa Climate-Adaptive Reimaginings for Enhancing Healthcare Spaces of the Future (CAREscape) project, isang makabago at inobatibong inisyatiba sa pagitan ng University of Plymouth sa UK at ng College of Architecture ng University of the Philippines (UP).

Isa ang UP sa tatlong tumanggap ng grant sa East Asia region. Ang partnership na ito ay nagbubuklod sa scholars, architects, at artists upang makabuo ng creative at climate-adaptive solutions para sa healthcare spaces, bilang tugon sa mga hamong dulot ng climate change sa mga komunidad.

Ang CAREscape ay naglalayong itaguyod ang health equity, sustainability, at inclusivity sa urban communities na nahaharap sa panganib ng klima, na partikular na nakatutok sa Maynila. Sa pamamagitan ng tatlong yugto ng pagbabago, ang project team ay makikipag-ugnayan sa mga lokal na komunidad, arkitekto, at mga artist para lumikha ng imaginative and climate-resilient healthcare infrastructures na sumasalamin sa community values at local cultural practices.

Ang unang yugto ng proyekto ay nakatuon sa creative deep mapping at community engagement sa Maynila, sa pamamagitan ng storytelling and mapping tools upang makapangalap ng mga pananaw tungkol sa mga karanasan ng mga resident sa epekto ng klima at healthcare needs.

Magsisimula ang paghahanda para sa mga workshop sa Nobyembre 2024, at nakatakdang magsimula ang engagements sa Enero 2025.

Bilang isa sa recipients ng International Collaboration Grant ng British Council, ang CAREscape ay nagsisilbing halimbawa ng pangunahing layunin ng mga grant na ito – ang itaguyod ang mga malikhaing proyekto na nagpapaigting ng makatarungan at pangmatagalang mga partnership sa pagitan ng UK at international collaborators nito.

Ang International Collaboration Grant (ICG) ay bukas para sa mga proyekto sa lahat ng tema, nagpapalakas ng innovative collaborations na nagsisilbing tulay sa geographic boundaries at nagpapaigting ng cultural connections. Ang grantees ay makakatanggap ng GBP 25,000 – GBP 75,000 para sa kanilang mga kolaborasyon.

KIM CHIU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with