^

PSN Showbiz

Rabiya, aminadong tupakin; paulit-ulit ang hiwalayan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rabiya, aminadong tupakin; paulit-ulit ang hiwalayan
Rabiya Mateo at Jeric Gonzales

Aminado ang dating beauty queen at actress na si Rabiya Mateo na dahil sa topak niya ay nag-break na sila ni Jeric Gonzales.

Nilinaw niya ito nang mag-guest siya sa The Boobay and Tekla Show noong Linggo ng gabi.

Kasama ni Rabiya ang kapwa beauty queen na si Gazini Ganados na umupo sa hotseat at in-interview sila nina Boobay at Lexi Gonzales. Si Lexi ang pansamantalang pumalit kay Super Tekla na wala sa episode na iyun.

Tungkol sa lovelife ang pinag-usapan at unang tinanong si Gazini tungkol sa kanila ni Gab Lagman.

Magkaibigan lang daw talaga sila ni Gab, sabi ni Gazini. Nasa ‘getting to know each other’ pa lang daw sila, at safe ang sagot niyang sa food daw ang pakikipagrelasyon niya.

Pagdating naman kay Rabiya, ang bilis ng sagot niyang “Medyo taken charot! Depende sa topak ko sa araw  na yun. Actually, I’m still in a relationship.”

Napansin kasi agad ng mga netizen na hindi na sila nagpa-follow sa Instagram.

Sabi pa ng beauty queen/actress; “Alam mo naman tayo Lexi, Gazini, pag padating na yung araw natin, iba na yung topak natin. Iba na yung init ng ulo natin. So my day, it was a bad day, and then I blocked Jeric. So, hindi ko naman ini-expect na mahahagilap agad yun.

“Ipa-follow ko na siya dapat din, kasi nag-okay na kami that day. Pero nakalimutan ko, e wala na, sumabog na.”

Nag-follow up question si Lexi kay Rabiya kung nagpa-follow na ba sila ngayon.

“Ngayon, hindi muna,” kaagad na sagot ni Rabiya.

“Pero ano lang. Si Jeric nga yung unang nagsabi sa akin, kasi nalaman ko na na-block ko siya through social media.

“Sabi niya, o may isyu na kumakalat na hindi na raw kami. Pero, we were together that day. Tapos sabay rin kaming lumipad ng  country, kababalik lang namin from Taiwan,” dagdag niyang pahayag.

“I know maraming kuwento, maraming blind items na nangyayari, walang katotohan po ‘yun. I and Jeric are okay,” sabi pa ni Rabiya.

Ganun naman daw sila noon pa. Galit, bati, okay ngayon, bukas hindi na naman.

“Wala namang perfect relationship. At kahit matagal na kami ni Jeric nasa stage pa rin kami na may mga ugali yung bawat isa na ngayon pa lang namin nalalaman,” sabi pa ni Rabiya.

Hiningan na rin siya ng mensahe para sa nobyo. “ “Thank you for always reminding me that our relationship is so much more.

“Kung ano yung nakikita ng tao sa social media, and I hope that we still get to forgive each other sa mga kasalanan na gagawin natin. Ang mga upcoming na kasalanan. You know that I always love you.”

Louise, may depression pa rin!

Hindi itinatanggi ni Louise delos Reyes na hanggang ngayon ay dumadaan pa rin siya sa depression, pero nalalabanan na niya ito.

Napag-usapan sa nakaraang presscon ng  pelikula nilang Pasahero ng Viva Films at JPHLiX Films ang tungkol sa suicide.

Binanggit ni Louise na nung araw na iyun ay linggo raw ng National Suicide Prevention Week.

Inamin kasi ni Louise na pumasok daw iyun sa isip niya minsan noong panahong may matindi siyang pinagdaanan.

“Super close,” pakli ni Louise sa tanong kung talagang naisip ba niyang wakasan ang buhay niya. Sobrang dark nito for other people. I’m sorry. Pero yun. Iniisip ko talaga, paano kaya nila… ganun na ka-casual. Paano kaya nila nagawa yun, kasi gusto ko na talagang gawin,” sabi ni Louise.

Hindi niya itinanggi na isa sa mga dahilan ay iyung nangyari sa kanyang career. “Sobrang thankful pa rin ako dun sa mga struggles ko before. Kung ano ako ngayon, kung ano ako na humaharap sa inyo ngayon, sobrang version…32 na ako kumbaga,” napangiti niyang pahayag.

Meron pa rin daw siyang pinagdadaanan sa ngayon, pero kahit paano ay naha-handle na niya.

“I just let myself be. Kung meron man akong mga araw na off ako, I acknowledge it and siguro isa na ring magandang nangyari sa akin is may boyfriend ako. Isa siya sa naging anchor ko. Ako sobrang ang taas ng empathy ko. Siya, bumabalanse sa empathy ko ngayon, sa EQ ko,” sabi pa ni Louise delos Reyes.

Ngayon ay nagtatrabaho pa siya sa Viva Food bilang Pastry chef, at tuloy pa rin ang pag-aartista niya.

Bida sila ni Bea Binene rito sa pelikulang Pasahero na dinirek ni Roman Perez, Jr. Sa October 9 na ang showing nito sa mga sinehan.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with