Hiyasmin (62)
“GOOD morning po sa inyo,’’ bati ni Hiyasmin.
Hindi nakapagsalita ang dalawang matanda. Nagulat nang makita na ubod ng ganda ang babaing bumati sa kanila.
“Ako po ang boarder ni Sir Dax, kumusta po kayo?’’
“Mabuti naman. Ikaw si…’’ tanong ng nanay ni Dax.
“Hiyasmin po.’’
“Siya ‘yung sinasabi ko sa inyong boarder ko, Tatay, Nanay,’’ sabi ni Dax.
“Maganda pala ang boarder mo Dax,’’ sabi ng tatay ni Dax.
“Salamat po,’’ sabi ni Hiyasmin.
“Anong year ka na Hiyasmin?’’ tanong ng nanay.
“Fourth year na po sa masscom.’’
Napatangu-tango ang nanay pero hindi inaalis ang tingin kay Hiyasmin. Gandang-ganda kay Hiyasmin.
Nagpaalam si Hiyasmin sa dalawang matanda at pumasok na siya sa kanyang room.
Nang makapasok si Hiyasmin sa room ay nagsalita nang mahina ang kanyang nanay.
“Ang gandang bata!
Baka naman nobya mo ‘yan, Dax?’’
“Hindi nanay—boarder talaga ‘yan.’’
“Ang ganda! Parang artista ang mukha!’’
“May lahing Arab siya Nanay.’’
“Sabi ko na nga ba! Ang ganda ng ilong at ang lantik ng pilikmata. Pati kilay maayos na maayos!’’
“Oo nga! Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagandang babae!’’ sabi ng tatay ni Dax.
Umirap ang nanay ni Dax.
“Akala ko ba sabi mo e ako ang pinakamaganda kaya niligawan mo?’’
“Ah oo ikaw nga!’’
Umirap muli ang nanay ni Dax.
Napangiti si Dax. Ganito pa rin ang samahan ng tatay at nanay niya. May tampuhan. May pagkamatampuhin ang nanay niya. Ang tatay naman niya ay mapagbiro.
“Ikaw naman talaga ang pinakamagandang babae na nakilala ko—kaya nga kita pinakasalan.’’
Ngumiti ang nanay ni Dax. Mabilis naman itong kumbinsihin ng tatay niya. Kaunting lambutsing lang.
“Siyanga pala Nanay, dun kayo matutulog sa room ko—dito ako sa sopa.’’
“Sige no problem,’’ sabi ng nanay niya.
Itutuloy
- Latest