^

True Confessions

Hiyasmin (60)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Mabilis na tinungo ni Dax ang pinto at sumilip. Nagulat sa nakita.

“Sina tatay at nanay!”

“Paano po gagawin ko Sir Dax?” sabing nag-aalala ni Hiyasmin.

“Boarder kita.’’

“Sige po.’’

“Teka at lalabas ako. Sa kuwarto mo na lang muna ikaw, Hiyasmin.’’

“Opo.’’

Lumabas si Dax para buksan ang gate.

Nagtatawa ang kanyang ama at ina habang binubuksan ni Dax ang gate.

“Natutulog ka ba, Dax?’’ tanong ng nanay niya.

“Opo. Nagulat ako sa tawag ninyo ni Tatay.’’

“Eto kasing nanay mo, ang lakas ng boses!’’

“Para marinig niya. Ihing-ihi na kasi ako kaya gusto ko nang makapasok!’’

Pumasok ang mag-asawa.

“Kumusta ka na Dax?’’ tanong ng tatay niya nang makapasok. Ang nanay niya ay nagderetso sa banyo.

“Okey naman Tatay.’’

“Parang mataba ka yata ngayon, Dax.’’

Napangiti lang si Dax. Hindi sumagot.

Lumabas ang nanay niya sa banyo.

“Ang linis ng banyo mo, Dax! Nung huli ka­ming magtungo rito ng tatay mo e nanggigitata sa dumi. Marunong ka nang maglinis, ha-ha-ha!’’

“May boarder na kasi ako Nanay—kailangan malinis ang banyo.”

“Boarder? Tumanggap ka ng boarder?’’ tanong ng nanay niya,

“Opo.’’

“Akala ko ba, gusto mo may privacy? Ba’t tumanggap ka ng boarder?’’

“Sayang din Nanay—mabuti at kumikita.’’

“Sabagay. Ilan ang boarder mo?’’

“Isa lang.’’

“Anong boarder mo—lalaki?”

“Babae po.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with