^

True Confessions

Ganti (113)

- Ronnie M. Halos -

“MULA po noon ay luma­yo na talaga ang loob ni Papa sa kanyang mommy. Masamang-masama ang loob ni Papa dahil sa ginawang pag-ayaw ni Lola kay Mama. Matibay naman ang paninindigan ni Papa na hindi siya pupunta sa kanilang bahay kung hindi kasama si Mama at ako.

“Mula rin noon, tinuruan ni Papa si Mama sa pagpapatakbo ng negosyo. Mas mabuti raw na kabisado ni Mama ang pasikut-sikot sa kanilang negosyo para kung wala siya, kayang-kaya ni Mama. Madalas daw siyang isama ni Papa sa Maynila at itinuro kung saan siya kumukuha ng mga turnilyo, spare parts ng motorsiklo at marami pa. Ipinakilala siya sa mga dealer. Mga Intsik din ang mga dealer sa Maynila.

“Sa ipinakitang galing ni Papa sa negosyo, tala­ga raw hindi bagay dito ang Medicine na kinuha sa isang unibersidad. Tama lamang daw ang desisyon ni Papa na huwag sundin ang kagustuhan ng mommy niya. Wala sa Medisina ang puso niya kundi nasa negos-yo. Nananalaytay raw sa dugo ni Papa ang pagiging negosyante gaya ng ama   nitong Intsik na si Mang Tiago o ang aking Lolo.

“Madali raw namang natuto si Mama sa pasikut-sikot ng kanilang negos­yo. Turo raw ni Papa kay Mama, dapat na laging na­­­kangiti ang may-ari ng tindahan para maraming customer na pumasok. Kung laging nakasimangot ang may-ari, aatras ang customer at sa kabilang tindahan bibili. Turo rin daw ni Papa para maraming bumili, bawasan daw ng presyo kahit na singko ang ipinagbibiling produkto. Malaking bagay daw ang pagbabawas kahit singko. Kung sa kalabang tindahan ay P2.00 ang presyo gawin mong P1.95.

“At sabi ni Mama, tama ang mga sinabi ni Papa. Marami siyang natutuhan. Pero ang pinakamahalaga raw sabi ni Papa ay ang magandang pakikitungo ng may-ari sa kanyang mga tauhan. Kailangang maganda ang relasyon ng employer sa kanyang employees. Huwag daw kalilimutan ni Mama ang tungkol sa bagay na iyon.

“Nasa peak ng pag-unlad ang mga negosyo nina Papa at Mama nang maganap ang hindi inaasahan. Limang taong gulang daw ako noon. Umaga, habang nasa comfort room si Papa ay bigla itong natumba. Kasalukuyan daw nagti-timpla ng kape si Mama para kay Papa. Nakarinig daw siya ng kalabog mula sa CR. Pagkatapos ay ang ungol. Akala niya ay kung ano lang ang ungol. Pero nang walang kumikilos sa CR ay kinabahan na si Mama. Nagsisigaw na siya. Nagdatingan ang mga katulong sa shop. Pinilit buksan ang CR. Nakalugmok si Papa. Wa­ lang malay…”

(Itutuloy)

DAW

MAMA

MANG TIAGO

MAYNILA

MGA INTSIK

PAPA

PERO

SHY

TURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with