^

True Confessions

Ganti (59)

- Ronnie M. Halos -

SINUBUKANG tawagan ni Lorena si Lyra pero sarado na ang cell phone nito. Hula ni Lorena baka kinumpis­ka na ng amo. Nahalata na merong kausap kaya kinuha. Problema kung ganoon ang nangyari sapagkat mawa-walan sila ng komunikasyon. Hindi maisasaayos ang plano. Walang ibang mabuting gawin kundi ang magtungo   sa Binondo at kausapin si Lyra. Pero nagpayo si Lea.

“Baka po natandaan ka na amo namin. At siguro pag­babawalan na silang maki-pag-usap sa mga taong nasa loob ng tindahan.”

“Paano kung customer na bibili ng fishball?”

“Baka po ang among babae na ang kukuha ng order ng customer.”

“Kapag hindi pa sumagot si Lyra sa tawag ko, pupunta na ako sa Binondo at titingnan ko ang sitwasyon. Hindi naman siguro ako matatandaan kaagad ng amo n’yo. At saka bibili ako nang maraming fishball. Papakyawin ko lahat para hindi makahalata na mayroon akong ibang pakay.”

“Mam natatakot ako na mabisto ka. Baka kung ano ang gawin sa’yo.”

“Huwag kang matakot. Ngayon ka pa ba matatakot   e nakatakas ka na nga. Mag-tiwala ka lang Lea at sigurado, magtatagumpay ka.”

“Susubukan ko rin pong tawagan si Lyra.”

“Sige. Kapag hindi sumagot, tiyak na wala na siyang cell phone.”

Ilang beses tinawagan ni Lea si Lyra pero sarado ang cell phone. Muling sinubukan ng madaling-araw. Wala rin.

Nagpasya na si Lorena kinabukasan. Lumuwas na siya ng Maynila. Umarkila siya ng dyipni para pagkargahan ng fishball at iba pang panin­da. Binago uli niya ang suot para hindi makilala ng among babae. May dark glasses siya.

Pumasok siya sa tindahan ng fishball at nakihalo sa iba pang kustomer. Hindi niya mamukhaan si Lyra sa mga tinderang nasa counter. Hindi rin niya alam kung sino ang bagong hire at ang datihan.

Nakita niya ang among babae sa kaha. Abala sa pagkukuwenta. Hindi niya malaman kung kanino lalapit para umorder. Tila ang mga tindera ay hindi nakikipag-usap sa kustomer.

Ipinasya na ni Lorena na sa among babae na lumapit at nag-order. Malakas ang loob niya.

“Mag-oorder ako nang maraming fishball, kikiam at calamares.”

Tumingin sa kanya ang among babae. Para bang sinusukat siya kung may ibabayad. Nanunuri. Pero pagkaraan nang mahalata yata na matambok ang bag niyang sakbat ay ngumiti na ito at tinanong kung gaano karami ang order.

“Papakyawin ko lahat ng fishball at calamares, magkano?”

Nataranta ang among babae. Agad nag-utos sa tindera na timbangin ang lahat nang fishball.

“Sandali lang ha. Mabils lang yun,” sabi pa nito. Ma­among tupa ang nakita ni Lo­rena sa pagkakataong iyon.

Hindi alam ng Intsik na malikot na ang mga mata ni Lorena at naghahanap ng makakausap. (Itutuloy)

BINONDO

FISHBALL

KAPAG

KUNG

LORENA

PAPAKYAWIN

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with