Ako ay makasalanan (89)
WALA naman akong nakikitang clutch bag na dala si Mr. Dy. Baka nagkakamali si Mon. Sabagay sa tagal na rin na-man ng paglilingkod ni Mon sa Tsekwa, kabisado na niya ito. Baka hindi ko lang napapansin kung saan ipinapatong ang clutch bag. Baka sa ibabaw ng TV sa salas.
“Maraming lamang pera ang clutch bag. Pawang nakatali ng lastiko ang bundle. Kabisado ko dahil minsan ako ang naghawak nun, iihi siya nun. Nagtaka ako dahil sa bigat, binuksan ko, pera pala. Hindi ko naman mabawasan dahil sigurado ako ang pagbibintangan.”
Napalunok ako. Hindi magsisinungaling si Mon. Kabisado nga niya ang dating amo.
“E di maaaring ako ang pagbintangan dahil kami lang dalawa ang narito sa unit.”
“Hindi na niya maaala- la kung saan niya huling inilagay ang clutch bag. At saka babawasan mo lang naman. Unti-unti ang bawas para hindi mahalata. Hindi na niya mapapansin na nabawasan dahil sa dami ng pera niya.”
“Natatakot ako, Mon.”
“Ayan ka na naman. Iyang takot nasa isip lang yan. Dapat unahan mo ang takot.”
“Bakit ko pa kailangang gawin yun e binibigyan naman niya ako.”
“Binibigyan ka ng barya. Akala mo ba kung gaano kalaking pera ang sumasampa sa Tsekwang yun araw-araw? Milyon. Sa department store na lang e saku-sakong pera ang kinikita. Pero ang suweldo ng empleado niya e binaba- rat. Tarantado ang Tsekwang yun kaya dapat gantihan.”
“Baka mahalata kapag binawasan ko ang laman.”
“Negatibo kasi ang isip mo, Maritess. Kapag ganyan ang inisip mo mabubuko ka talaga. Think positive naman. Dapat pamin-san-minsan e magtiwala ka sa sarili.”
“Kapag nakakuha ako ng pera, umalis na tayo ha?”
“Oo. Kaya pagpunta rito ni Tsekwa, upakan mo agad. Para naman makaganti ka na rin sa pambababoy niya. Masyadong malibog ang hayop na yun.”
Hindi ako makapagsalita. Iniisip ko kung paano mananakawan si Mr. Dy. Kinakabahan ako sa gagawin. Pero naisip ko naman, kapag nakakuha ako, sibat na kami. One time lang at ayoko na.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending