Hiyasmin (324)
MARAMI pa kaming pinuntahang lugar—Puerto Galera, Mayon Volcano sa Albay, Taal, Tagaytay at maging sa Baguio.
Natapos ang mahigit isang buwang bakasyon nina Tita.
“Hindi ko malilimutan ang mga karanasan dito, Hiyasmin. Masyado n’yo kaming pinasaya,’’ sabi ni Tita Mary.
“Bumalik muli kayo next year Tita. Marami pang dapat puntahan.”
“Kayo muna ang bumisita sa U.S. Hiyasmin—kayong tatlo—si Dax at Mama Lira at ang baby na si Rashid o Rashida.”
“Sige po Tita. Hindi po ba nakakahiya sa inyo?”
“Kami ba nahiya sa inyo? Hindi di ba? Welcome na welcome kayo.”
“Salamat po Tita. Mami-miss kita – kayo ng family mo.”
“Mami-miss din namin kayo, Hiyasmin.”
Inayos na ni Mary ang mga iniwang yaman ni Rashid sa mag-inang Lira at Hiyasmin.
Malaking kayamanan ang iniwan sa mag-ina ng namayapang si Rashid. Totoo ang mga sinabi ni Mary, na kahit hindi magtrabaho sina Lira at Hiyasmin ay mabubuhay ang mga ito nang masagana.
Dumating ang araw nang pag-alis nina Mary at pamilya. Madamdamin ang paalaman nina Mary at Hiyasmin.
Niyakap ni Hiyasmin si Mary.
“Mami-miss kita Tita. Sana nagtagal pa kayo rito.”
“Basta ipangako mo na pupunta kayo sa U.S. Hihintayin ko kayo. Mag-communicate tayo online, okey?”
“Opo Tita. Mag-ingat po kayo.”
“Ingatan mo ang baby ha—Rashida o Emmanuel Rashid.”
“Opo. Iingatan po nang labis.”
Itutuloy
- Latest
















