Hiyasmin (326)
ISANG linggo ang nakalipas, tinupad ni Mary Underwood ang pangako kay Mama Lira na mag-video call sila kasama ang dating househelper sa Kuwait na si Siony.
“Kumusta ka Siony?” bati ni Mary.
“Mabuti naman Mary. Salamat at nagkita at nagkausap din tayo. Wala ako sa Manila nang magbakasyon ka—nasa province ako.”
“Oo nga raw, sabi ni Lira. Anyway, nagkita at nagkausap din tayo sa wakas ngayon. Hindi ka na bumalik sa Kuwait?”
“Hindi na Mary. Nagnegosyo na lang ako.”
“Good. Marami ka na sigurong pera sa ngayon.”
“Hindi naman gaano, Mary. Ang alam kong maraming pera ay ang kaibigan kong si Lira.”
“Ay oo, rich na yan, ha-ha-ha!”
“Sabi ko nga balatuhan naman ako pero parang ayaw.”
“Huwag kang titigil sa paghingi, Siony at malay mo isang araw, balatuhan ka.”
“Oo nga, Mary ganyan ang gagawin ko.”
“By the way, nalaman ko kay Lira na marami ka palang na-observe sa kapatid kong si Rashid nun.”
“Napakarami, Mary. Nasubaybayan ko ang brother mo. Nakalulungkot lang dahil namatay siya sa sunog.”
Nalungkot si Mary sa sinabi ni Siony. Maski si Lira ay nakadama ng lumbay.
(Itutuloy)
- Latest
















